"a caterpillar doesn't just grow into a butterfly. a caterpillar must undergo metamorphosis, and a cocoon is where a caterpillar risks it all: enters total chaos, undergoes total rebuilding, and is born to a new way of living. only in taking the risk of entering that inert cocoon can the caterpillar go from dormancy to potency, from ugliness to beauty."

Friday, March 28, 2008

yahoo messenger

kung totoo ang sabi ng mga kaibigan ko na nagmamahal na lang ako ng isang alaala, bakit nasasaktan pa rin ako?

kanina.

na-busy ang yahoo messenger ko. si former roommate. nangungumusta. mega kumustahan. pakonti-konting kwento tungkol dito at tungkol doon. habang may team meeting, nakikipagdaldalan ako sa yahoo messenger. smiley dito, smiley doon. sagot dito, sagot doon. hanggang sa umabot sa topic na boylets.

ikakasal ka na ba?

ako: hindi, ikaw ba? pa'no 'ko ikakasal?

simpleng tanong. pero affected ako. hindi sa dahil gusto ko nang magpakasal. naalala ko lang si all-time fave guy. kumusta na kaya siya? naiisip pa kaya niya ako? bakit ba ang layo na niya?

matagal ko na siyang hindi nakikita. ni anino niya, di ko na nakita since more than two years ago. ayoko na umasa pero mahal ko pa rin siya. yan ang alam ko. wherever he is. whatever he is doing. ako, i'll root for him. masakit man umasa sa wala. mahal ko pa rin siya. siya na hindi ko na nakikita.

Lord, pag humiling ba ako ngayon, pagbibigyan mo ako? gusto ko na po siyang makita ulit. pero kung wala na po siyang pakialam sa akin... sana matutunan ko na di na umasa.

3 comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...