"a caterpillar doesn't just grow into a butterfly. a caterpillar must undergo metamorphosis, and a cocoon is where a caterpillar risks it all: enters total chaos, undergoes total rebuilding, and is born to a new way of living. only in taking the risk of entering that inert cocoon can the caterpillar go from dormancy to potency, from ugliness to beauty."

Tuesday, May 20, 2014

piled higher and deeper

"The early bird gets the worm,
but the second mouse gets the cheese."
--Author Unknown

x X x
"paranormal x-ray" for dental and facial structure imaging. what in the world is "paranormal x-ray"?!? :)

my "bangag" moment of the day (yeah, i know that it's just lunchtime and the day is far from over): i meant "panoramic x-ray" but i mentioned "paranormal x-ray" ...TWICE! parang pang espiritista x-ray lang??? hahaha. buti isa lang ang kausap ko pero super laugh trip pa rin. ang hirap maka-get over. hehe.

now, there's a worthy addition to this compilation which i made sometime in 2012...

- calcu, letter blue, atbp.

ang mga sumusunod ay totoong nangyari recently, magkakaibang instances naman pero... basta... read on. pumi-PhD na yata ako sa pagiging bangag.

eksena 1: calcu
isang umaga sa R&D cube

ako (habang tinampal-tampal at kinakamot ang braso, may something itchy) to teammate 1: oist, pahingi naman ng calcu (sabay turo sa isang malaking bote ng green cross isopropyl alcohol). 
teammate 1: ha? (magbubukas na ng drawer, kukuha ng calcu kaso natigilan) pakiulit.
ako: pahingi ngang calcu. pahingi n'yan (turo sa alcohol).
teammate 1: anong sabi mo, calcu?

*bwahahaha* *tawanan*

oo nga naman, ang layo ng calcutor sa alcohol. anoveh. tsaka ang calcu, hinihiram lang, hindi hinihingi.

eksena 2: kape
isang umaga ulit sa R&D cube 

ako (kararating lang) to teammate 1: tara, kape. igib. (igib ang term namin sa simpleng pagkuha ng tubig sa pantry.)
teammate 1: tara. igib.

niyaya din namin si teammate 2. ready na sila agad. 

ako: wait lang. (kumuha ng something sa pocket ng bag) game! (sabay kukuha na lang ng mug at tumbler.) 
teammate 1: kala ko ba sabi mo kape. bakit toothpaste ang bibitbitin mo?

so tumingin ako sa something na kakukuha ko lang sa bag -- shucks, toothpaste nga! (tsaka, ang mga sachets ng kape ay naka-store sa drawer ko at hindi sa pocket ng bag.) wow lang!

*bwahahaha* *tawanan* 

eksena 3: after last LSS (lean six sigma) class
sa hallway palabas ng planta 

teammate: kumusta naman kayo sa taas kanina? (ang class ay nasa second floor)
ako: ok lang. activity namin kanina ay related sa motivation and personalities. letter blue ako.
teammate: ano 'yon?
ako: ang letter blue personality, ma-technical, kelangan ng detalye, mabusisi
teammate: letter blue? parang alphabet lang?
ako: (pause) shucks! hindi letter blue. color blue.
teammate: sabi mo letter blue. narinig ko.

enggggkkkk. walang bawian! letter blue kung letter blue!

*bwahahaha* *tawanan*

ano ba, val, pang-ilan mo na 'yan?

eksena 4: password
isang hapon sa R&D cube, break time na dapat 

teammate: break.
ako: tara. kelangan ko din kasi ng password.
teammate: ano? password? para saan?
ako: kelangan ko ng password!! (sabay pakita sa ATM card) 
teammate: ha?

tengneneng! ang gusto ko palang sabihin ay... kelangan kong mag-withdraw. ang labo!!!


*bwahahaha* *tawanan*


eksena 5: orange
team weekend bonding sa shell tabangao 

ako (papunta sa kitchen counter, nadaanan si teammate 3 na nagsasalin ng orange liquid sa transparent na baso): wow, orange! (sa isip ko orange... juice.) ano 'yan, sprite?
teammate 2: huh?
teammate 3: hindi. royal.
teammate 2: kitang orange, tapos, sprite?
ako: ha?
teammate 3: hindi 'to sprite. royal tru orange 'to.

*bwahahaha* *tawanan*

ako: oo nga, no? ba't ko nga ba sinabing sprite?

ohmaigulai. pinagbabayaran ko na yata ang pambabara ko kay sir mel noong minsang tinawag n'yang spaghetti ang macaroni. aba, hindi pwede. hahaha!

eksena 6: listerine
after lunch break 

ako: (may kinuhang maliit na bote sa bag, binitbit sa ladies room. kru kru. binuksan ang bote kaso...) hmmm, ba't kelangan kong i-flip ang listerine cap para mabuksan?

tumingin ako sa bote at nanlaki ang mata. shucks! muntikan na!!! ang hawak-hawak ko ay... bote ng green cross sanitizing gel na sinalinan ko ng rubbing alcohol. disclaimer: di po ako suicidal. nag-autopilot lang.

when i shared this to my teammates, ayun, bonggang tawanan na lang ulit. wag ko daw sarilinin problema ko. haha.

07.06.12 isang matinding note to self: umayos ka.
ang
green cross sanitizing gel na sinalinan ng rubbing alcohol

ay hindi listerine. (--,)

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...