"The early bird gets the worm,
but the second mouse gets the cheese."
--Author Unknown
x X x
"paranormal x-ray" for dental and facial structure imaging. what in the world is "paranormal x-ray"?!? :)
my "bangag" moment of the day (yeah, i know that it's just lunchtime and the day is far from over): i meant "panoramic x-ray" but i mentioned "paranormal x-ray" ...TWICE! parang pang espiritista x-ray lang??? hahaha. buti isa lang ang kausap ko pero super laugh trip pa rin. ang hirap maka-get over. hehe.
now, there's a worthy addition to this compilation which i made sometime in 2012...
- calcu, letter blue, atbp. -
ang mga sumusunod ay totoong nangyari recently, magkakaibang instances naman pero... basta... read on. pumi-PhD na yata ako sa pagiging bangag.
eksena 1: calcu
isang umaga sa R&D cube
ako (habang tinampal-tampal at kinakamot ang braso, may something itchy) to teammate 1: oist, pahingi naman ng calcu (sabay turo sa isang malaking bote ng green cross isopropyl alcohol).
teammate 1: ha? (magbubukas na ng drawer, kukuha ng calcu kaso natigilan) pakiulit.
ako: pahingi ngang calcu. pahingi n'yan (turo sa alcohol).
teammate 1: anong sabi mo, calcu?
*bwahahaha* *tawanan*
oo nga naman, ang layo ng calcutor sa alcohol. anoveh. tsaka ang calcu, hinihiram lang, hindi hinihingi.
eksena 2: kape
isang umaga ulit sa R&D cube
ako (kararating lang) to teammate 1: tara, kape. igib. (igib ang term namin sa simpleng pagkuha ng tubig sa pantry.)
teammate 1: tara. igib.
niyaya din namin si teammate 2. ready na sila agad.
ako: wait lang. (kumuha ng something sa pocket ng bag) game! (sabay kukuha na lang ng mug at tumbler.)
teammate 1: kala ko ba sabi mo kape. bakit toothpaste ang bibitbitin mo?
so tumingin ako sa something na kakukuha ko lang sa bag -- shucks, toothpaste nga! (tsaka, ang mga sachets ng kape ay naka-store sa drawer ko at hindi sa pocket ng bag.) wow lang!
*bwahahaha* *tawanan*
eksena 3: after last LSS (lean six sigma) class
sa hallway palabas ng planta
teammate: kumusta naman kayo sa taas kanina? (ang class ay nasa second floor)
ako: ok lang. activity namin kanina ay related sa motivation and personalities. letter blue ako.
teammate: ano 'yon?
ako: ang letter blue personality, ma-technical, kelangan ng detalye, mabusisi
teammate: letter blue? parang alphabet lang?
ako: (pause) shucks! hindi letter blue. color blue.
teammate: sabi mo letter blue. narinig ko.
enggggkkkk. walang bawian! letter blue kung letter blue!
*bwahahaha* *tawanan*
ano ba, val, pang-ilan mo na 'yan?
eksena 4: password
isang hapon sa R&D cube, break time na dapat
teammate: break.
ako: tara. kelangan ko din kasi ng password.
teammate: ano? password? para saan?
ako: kelangan ko ng password!! (sabay pakita sa ATM card)
teammate: ha?
tengneneng! ang gusto ko palang sabihin ay... kelangan kong mag-withdraw. ang labo!!!
*bwahahaha* *tawanan*
eksena 5: orange
team weekend bonding sa shell tabangao
ako (papunta sa kitchen counter, nadaanan si teammate 3 na nagsasalin ng orange liquid sa transparent na baso): wow, orange! (sa isip ko orange... juice.) ano 'yan, sprite?
teammate 2: huh?
teammate 3: hindi. royal.
teammate 2: kitang orange, tapos, sprite?
ako: ha?
teammate 3: hindi 'to sprite. royal tru orange 'to.
*bwahahaha* *tawanan*
ako: oo nga, no? ba't ko nga ba sinabing sprite?
ohmaigulai. pinagbabayaran ko na yata ang pambabara ko kay sir mel noong minsang tinawag n'yang spaghetti ang macaroni. aba, hindi pwede. hahaha!
eksena 6: listerine
after lunch break
ako: (may kinuhang maliit na bote sa bag, binitbit sa ladies room. kru kru. binuksan ang bote kaso...) hmmm, ba't kelangan kong i-flip ang listerine cap para mabuksan?
tumingin ako sa bote at nanlaki ang mata. shucks! muntikan na!!!
ang hawak-hawak ko ay... bote ng green cross sanitizing gel na sinalinan ko ng rubbing alcohol. disclaimer: di po ako suicidal. nag-autopilot lang.
when i shared this to my teammates, ayun, bonggang tawanan na lang ulit. wag ko daw sarilinin problema ko. haha.
|
07.06.12 isang matinding note to self: umayos ka. ang green cross sanitizing gel na sinalinan ng rubbing alcohol
ay hindi listerine. (--,) |